Tinaguriang “Red Light District”
Lunduan ng mga kaluluwang
Hanap panandaliang tuwa
Kapalit ng wasak na mukha
Masikip, maputik, maitim na mga daan
Matataas na gusali, marangyang kainan
Lumang istruktura, karenderya’t
tanggapan
Mga manggagawa, pulubi’t batang lansangan
Ito ang aking Ermitang kinagisnan
Mukha ng agwat ng tao sa lipunan
Katuparan ng pangarap ng iilan
Libingan ng mga niyurakang katawan
12-03-2024